photo Picture2-4_zpsea834392.png

HOME               ABOUT               MESSAGE               SHOTS               PHOTOS                LIFE                BLOGSPOT        

SA PAG-AARAL, PUSO ANG GAMITIN

Naalala ko lang yung sinabi ng Mandarin teacher namin na sa pagkakabisa ng mga salita, puso dapat ang ginagamit. (Tama nga naman)

Ilagay na lang natin sa simpleng sitwasyon para mas maintindihan natin. Sa pag-aaral, puso ang ginagamit at hindi ang isip. Minsan, kailangan din natin ang isip pero kung hindi natin talaga gusto ang bagay na ginagawa natin ay hindi natin matatandaan ang mga impormasyon at agad natin itong malilimutan. Yan! Puso talaga. :) 

Naisip ko lang ito dahil sa mga formula na kailangan kong kabisaduhin para sa chemistry quiz bukas. Good Night!


TAO o GOBYERNO - Sino ang Dapat Magbago?

Siguro ilang beses mo na rin narinig ang tanong na ‘yan sa iyong guro, nabasa sa dyaryo o napakinggan sa TV. Ngunit sa daming beses mo narinig ang tanong na “Sino ang Dapat Magbago?” nasagot mo ba ito? 

Sa karamihan, ang sagot nila ay gobyerno. Bakit? Kasi sila daw ang dapat na maging mabuting halimbawa sa mga tao. Tama nga naman na sila ang dapat tularan ng ibang tao pero ginagawa ba nila ang kanilang dapat gawin - ang maging mabuting halimbawa sa atin? Nakikita niyo ba ‘yon? O sadyang, nagbubulag-bulagan kayo dahil mataas ang inaasahan (expectation) niyo sa kanila?

Sabi naman ng iba, tao ang kailangang magbago kasi hindi daw tama na puro sa gobyerno ang sinisisi sa mga mali na nagagawa nila.

Tanong lang, hindi ba tao ang gobyerno?

Para sa akin, ang tao ang kailangang magbago. Ang pamahalaan at mamamayan ang kailangang magbago dahil kung hindi tayo magtutulungan ay huwag na kayong umasa na may mangyayari. 

Simple lang naman, MAGBAGO KA! - para sa sarili mo, para sa kapwa mo at para sa BAYAN mo!

Back     /     Forth

All photos are © Lean Rivera unless stated otherwise.